2WAP

RUGBY BOY'S

noykix_153022
Feb 19, 2009
Nung ako ay nagpunta sa maynila, sa lungsod ng Malate upang magtrabaho doon. Ako nga pala ay isang Pintor/Kontraktor ng bahay. Nagpunta ako sa maynila dahil may pininturahan akong isang restaurant/bar o "restobar". Unang araw ko palang doon ay nakita ko na kaagad ang mga sumisinghot ng rugby o yung tinatawag na mga "rugby boy". Nung una dalawa lang ang aking nakita, isang babae, na sa tingin ko ay tomboy, nasa 25-30 ang edad niya, at yung isa naman ay isang lalake na edad siguro ay nasa 16-18. Marurumi ang kanilang mga suot na damit at kapuwa sila sumisinghot ng rugby. Nakita ko sa kanilang mga mukha na langong-lango na sila sa rugby, at namumula ang kanilang mga mata, hindi sila mapakali, palakad-lakad, nagsasalita na wala naman kausap, tapos biglang tatawa, at pagkatapos ay bigla nalang nagmumura. "mga putang ina nyo lahat!!!" tapos mayamaya ay may dumating na isang matandang lalake, mabagal ang paglakad niya, hindi ko alam kung may pilay siya kaya siya hirap maglakad, o ng dahil sa gutom. Nung makita ko yung matandang lalake ay naawa ako sa kaniya, dahil hirap na nga siya maglakad ay may buhat-buhat pa siyang isang sako, na ang laman ay mga plastik nasa tingin ko ay kaniyang ibebenta upang may pambili siya ng pagkain. "pagkain nga ba, o rugby? hehehe." Nakita ko kasi siya na naglabas ng isang boteng plastik at pagkatapos ay sininghot niya ang bote. Mayamaya ay umupo silang tatlo sa semento, sa harap ng isang disco/bar, at doon ay sabay-sabay silang suminghot ng rugby. Hanggang sa lumipas ang maghapon na ganun ang kanilang ginagawa. May karugtong...
Share WhatsApp Facebook X Telegram SMS

No comments yet. Be the first.

Log in or join to comment.

More from noykix_153022