2WAP

Ang pagkamatay ni Moises

noykix_153022
Feb 19, 2009
Deuteronomio 34:1-7 1 At sumampa si Moises mula sa mga kapatagan ng Moab sa bundok ng Nebo, sa taluktok ng Pisga, na nasa tapat ng Jerico. At itinuro ng Panginoon ang buong lupain ng Galaad hanggang sa Dan. 2 At ang buong Nephtali at ang buong lupain ng Juda hanggang sa dagat kalunuran, 3At ang timugan at ang kapatagan ng libis ng Jerico na bayan ng mga puno ng palma hanggang sa Soar. 4 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ito ang lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabi, Aking ibibigay sa iyong binhi: aking pinatingnan sa iyo ng iyong mga mata, ngunit hindi ka daraan doon. 5 Sa gayo'y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon. 6 At kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor, ngunit sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito. 7 At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya'y mamatay: ang kaniyang mata'y hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina.

No comments yet. Be the first.

Log in or join to comment.

More from noykix_153022