Lansangan ang tahanan
noykix_153022
Feb 19, 2009
Marami tayong mga kababayan ang nakatira sa lansangan dahil sa kawalan
nila ng sariling bahay, at wala rin silang pera para makaupa ng kahit
maliit na kwarto, kaya nagtitiis nalang sila na manirahan sa lansangan;
yung iba ay nakatira sa ilalim ng tulay, sa luneta, at yung iba naman ay
sa tabi ng kalsada.
Nung ako ay pumunta sa manila, ay marami akong nakitang sa bangketa
naninirahan, mga batang palaboy, at may nakita akong isang pamilya na
sa tabi ng daan nakatira, nagtayo lang sila ng tent na yari sa sako at karton,
nakita ko silang nagsasaing sa tabi ng daan, nasanay na siguro sila, kasi
hindi na sila nahihiya kahit pinagtitinginan sila ng mga taong dumadaan,
may nakita din akong mga bata na naglalaro sa tabi ng tent, sa tingin
ko ay mga anak nila yun, at nakita ko naman yung babae na
nagpapasuso. "Ano ba naman yan, wala na ngang bahay na matirahan,
ang dami pa ng anak". nasabi ko sa sarili ko.
Kawawa naman sila, hindi sila pinapansin ng ating gobyerno.
Saan kaya sila pumupunta at ano ang kanilang ginagawa sa panahon ng
tag-ulan, at bagyo? nakakatulog kaya sila ng maayos sa sobrang lamig
at lakas ng ulan?
Sana mapansin sila ng ating gobyerno, mabigyan manlang sila ng kahit
isang maliit na tahanan, upang may masilungan sila sa panahon ng tag-ulan.
No comments yet. Be the first.
Log in or join to comment.